SB, Joy B naglunsad ng mobile schools

MANILA, Philippines - Inilunsad ng  tanggapan ni House Speaker Sonny Belmonte, QC Vice Mayor Joy Belmonte at TESDA ang dalawang mobile schools laan para sa mga out of school youth at underskilled cons­tituents  na isinagawa sa  Galas, QC.

Ang unang bus ay ang Sanayang Bus-Computer School on the Road ay kumpleto sa computers at IT instructural materials na inooperate ng mga IT teaching professionals.

Ang ikalawang bus ay ang Schoolinary bus–Mobile Kitchen School ay magbibigay naman ng training course tungkol sa commercial cooking at culinary methods. 

Mula Mayo 14 hanggang Hunyo 29 ay iikot ang dalawang bus mula district 1 hanggang district 6 para serbisyuhan ang mga taga-lunsod.

Lumagda din sa isang memorandum of under­s­tanding para sa community based skills trai­ning–isang partnership program ang  TESDA at QC Skills and Livelihood Foundation Inc.

Show comments