MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang ama ang kanyang lasenggerong anak matapos na muli itong magwala kamakalawa sa Banga, South Cotabato.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na si Fred Lucias Jr., sanhi ng malalim na mga taga na tinamo sa katawan nito.
Tumakas ang suspek na ama nito na si Fred Lucias Sr., nahaharap sa kasong parricide.
Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay umuwing lasing ang biktima galing sa pakikipag-inuman ng tuba sa kaniyang mga kaibigan at naghaÂmon ng away na bagay na ikinagalit ng ama.
Kumuha ng itak ang suspek at inundayan nang sunud-sunod na taga ang anak hanggang sa bumulagta ito.