Biyuda itinumba sa madyongan

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang ginang nang barilin ito sa ulo ng hindi pa kilalang lalaki habang naglalaro ng madyong kamakalawa sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si  Marissa Suntario, 43, biyuda, ng Matias St., Brgy. Paltok, QC.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ay  nagla­laro ang biktima ng madyong sa loob ng kanyang bahay nang pasukin ng isang lalaki na nasa 5’8” ang taas, mataba ang pangangatawan, naka-jacket na itim,  itim na pantalon, naka-helmet at malapitang pinagbabaril ang biktima.

Show comments