6-anyos patay sa saksak ng bbq stick ng 7-anyos

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on- arrival sa pagamutan ang isang 6-anyos na batang babae matapos na saksakin ng kanyang kalaro na 7-anyos na batang lalaki kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Darlene Loho, kinder, habang ang suspek na itinago ang pa­ngalan dahil sa pagi­ging menor-de-edad ay isang Grade 1 at nasa panga­ngalaga na ng Quezon City Police District’s Women and Children’s Protection Desk.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima ay kasalukuyang naglalaro ang mga ito na kung saan naguluhan ang isa’t isa sa kanilang paglalaro.

Dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawang bata hanggang sa kurutin umano ng batang babae ang batang lalaki.

Nagalit umano ang batang  lalaki at nang makakuha ng stick ng bananaque ay sinaksak nito ang batang babae sa likod  na tumagos sa pantog nito.

Agad isinugod ang biktima ng kanyang nanay sa Novaliches General Hospital, kung saan  binawian ito habang nilalapatan ng lunas.

 

Show comments