Takas na preso timbog sa patalim

MANILA, Philippines - Halos anim na buwan na pinaghahanap ang isang takas na preso mula sa Cavite Provincial Jail bago ito naaresto nang mahulihan ng patalim matapos magwala kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang suspek ay kinilalang si Michael Angelo De Jesus, 33, nanunuluyan  sa Gen. T. De Leon ng naturang lungsod na nakulong sa Cavite Provincial Jail sa kasong theft, subalit noong Nobyembre 2013 ay nakatakas ito at nagtago sa Valenzuela City.

Batay sa ulat, nadakip ang suspek  dahil sa pagdadala ng patalim at nakatakda na sana itong lalabas alas-4:00 ng hapon nang makarating sa Valenzuela City Jail na isa itong pugante kaya’t hindi na ito pinakawalan pa.

 

Show comments