Pusher itinumba ng tatlo

MANILA, Philippines - Pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga ang isang lalaki na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong lalaki habang ito ay naglalakad kamakalawa sa Malabon City.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Benjamin Ignacio, 53, ng Asero St., Barangay Tugatog ng naturang  lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon ay naglalakad ang biktima sa Oro St., Barangay Tugatog nang biglang sumulpot ang tatlong suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek  na hinihinalang miyembro ng isang drug syndicate.

Inamin ng kapatid na sangkot sa droga ang biktima na nakuhaan ng mga pulis sa kaliwang kamay nito ang  isang sachet ng shabu.

 

Show comments