Santacruzan hindi beauty pageant-Obispo

MANILA, Philippines - Alalahaning hindi isang beauty pageant ang Santacruzan kaya’t dapat anya na ibalik ng mga lumalahok ang tunay na diwa.

Ito ang naging panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtico at Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan na lumalahok sa “Flores de Mayo”.

Nanawagan si Bishop Ongtioco sa mga nagsasagawa ng Santacruzan na huwag kalimutan ang tunay na diwa nito para sa pananampalatayang Katoliko.

Pinaalalahanan din ng Obispo ang mga miyembro ng third sex na igalang ang diwa ng Santacruzan kung saan si Reyna Elena ay isang ina na dapat gumanap sa katauhan nito ay isang babae.

 

Show comments