3 holdaper dedbol sa barilan

MANILA, Philippines - Napatay ang tatlong lalaki na pinaghihinalaang mga  holdaper matapos makabarilan ang pulisya na magsisilbi ng warrant of arrest kahapon ng umaga sa Brgy. Canlusong, EBMagalona, Negros Occidental.

Nabatid na ang mga nasawing suspek ay mga miyembro ng Seva robbery/holdup gang na sangkot sa robbery holdup sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan na kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan.

Nasugatan naman ang isang pulis na kasapi ng Special Operations Group na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Batay sa ulat bandang alas-6:00 ng umaga habang isinisilbi ng mga operatiba ng pulisya ang warrant of arrest laban sa mga suspek nang manlaban ang mga ito na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa palitan ng putok ay tinamaan ang  tatlo sa mga suspek habang nakatakas naman ang iba nilang kasamahan.

Show comments