Kelot utas sa saksak ng kapitbahay na may topak

MANILA, Philippines - Inatake nang saksak ang isang mag-ama ng kanilang kapitbahay na may sakit sa pag-iisip kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center  (JRMMC) ang biktimang si Ricardo Raon alyas “Ric”, may-asawa, pedicab driver, ng no. 409 Int. 8 Inocencio St., Tondo, Maynila dahil sa 5 saksak sa katawan.

Malubhang nasugatan naman ang anak nito na si Ronnel, dahil sa 2 saksak sa kaliwang bahagi ng leeg.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Billy de Guzman, 32, binata, residente rin sa lugar.

Sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi ay nakaupo sa harap ng kanilang bahay ang mag-ama nang bigla na lamang sinugod nang saksak ng suspek na agad tumakas nang bumulagta ang mag-ama.

Show comments