‘Napo-List’ hindi banta sa seguridad

MANILA, Philippines - Hindi umano maituturing na banta sa seguridad ng bansa ang listahan ni Janet Lim Napoles na kinasasangkutan ng mga mambabatas na sangkot sa pork scam na ibinigay nito kay Justice Secretary Leila De Lima kaya’t walang dahilan upang patuloy na itago ito.

Ito ang inihayag ni Senator Francis “Chiz” Escudero sa patuloy na pagmamatigas na ilabas ito sa publiko.

Minaliit din ni Escudero ang kakayahan ni Napoles na mapabagsak ang gobyerno dahil lamang sa pagbibigay nito ng listahan sa ilang personalidad kung saan sinasabing isinasangkot niya ang ilang malalapit sa administrasyong Aquino.

Hindi rin naniniwala si Escudero na kayang guluhin ni Napoles ang bansa na minsan na umano nitong pinagnakawan kaya hindi dapat payagan kung ano man ang plano  nito.

Ngtataka si Escudero kung bakit kailangan pang i-validate ni De Lima ang sinasabing listahan ni Napoles na hindi naman ito puwedeng baguhin ang pahayag ng itinuturong utak ng pork barrel fund scam.

 

Show comments