MANILA, Philippines - Matapos ang umano’y mag-island hopping sa karagatan na nasasakupan ng lalawigan ng Palawan ay iniulat na nawawala ang dalawang turistang Aleman.
Kinumpirma ni AFP Western Command Chief Lt. Gen. Roy Deveraturda ang pagkawala ng dalawang Aleman na kinilalang sina Stefan Viktor Okonek, 71-anyos at Herike Diesen, 55- anyos.
Nabatid na dumulog sa mga otoridad ang mga kasamahan ng dalawang Aleman matapos na ang mga ito ay hindi makabalik sa tinutuluyang resort sa Palawan simula pa noong Abril 24.
Sa salaysay, nang mga biktima na lulan ng kanilang yate ay humiwalay sa mga kasamahan at nag-island hopping.
Tanging ang sinakÂyang yate ng dalawang Aleman ang natagpuan habang palutang-lutang sa karagatan ng Brgy.Tagnato, Bataraza, PaÂlawan.
Pinaiimbestigahan na rin ng mga opisyal kung tinangay ang dalawang banyaga ng mga Abu Sayyaf na dumarayo rin sa Palawan.