NBI pinatutukan ang pagpatay sa mga HOA presidents sa Antipolo City

MANILA, Philippines - Hindi dapat ibuhos lahat ang pansin ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng komedyanteng si Vhong Navarro laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo  kundi maging ang lantarang kasong pagpatay ng land grabbing syndicate sa Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) secretary general Rodel Pineda, maraming lehitimong Homeowners Association (HOA) ang matagal nang nagrereklamo laban sa pagpaslang sa HOA presidents na nagsimula noong 2007, subalit walang naaaresto ang pulisya kahit isa.

Ani Pineda, hindi na kayang tugunan ng lokal na pulisya ang pagpatay sa mga opisyal at miyembro ng HOAs sa Antipolo ng hinihinalang hired killers dahil batid nilang pinamumunuan ito ng isang dating opisyal ng PNP.

Naniniwala ang 4K na ang pagpasok ng DOJ at NBI lamang ang tanging daan para malutas ang kaguluhang naghahari sa Antipolo City mula sa problemang nag-ugat sa talamak na illegal squatting activities.

“Isang matuwid na landas ang tinatahak ng mga HOA sa Antipolo dahil sa kanilang pakikipag-ugna­yan sa amin pero wala ka­ming magawa sa humahabang listahan ng mga pagpaslang ng sindikato ng professional squatters,” ayon pa sa taga-NHA. 

 

Show comments