MANILA, Philippines - Nadakip ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang umano’y secretary ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) sa isinagawang operasÂyon kamakalaw sa Brgy. San Roque, Tampakan, South Cotabato.
Ang nasakoteng rebelde ay kinilalang si Felix Armodia alyas Ka Jing /Jade, CPP-NPA Front Secretary.
Sa ulat, bandang alas-12:45 ng hapon nang masakote ng tropa ng Philippine Army at ng pulisya ang suspek sa Brgy.San Roque, Tampakan matapos na i-tip sa kanila ng isang informer ang presensya ni Armodia sa nasabing lugar.
Nabatid na ang grupo rin ni Armodia ay responsable sa serye ng mga pag-atake sa mga plantasÂyon at construction firms sa Central Mindanao na nagmamatigas magbayad ng revolutionary tax sa NPA movement.