Tandem tepok sa salpok

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo nang masalpok sila ng isang pampasaherong van kahapon ng umaga sa Payatas Road, Quezon City.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Eduardo Ungca, at Ronnie Barrantes, 26, pawang residente sa Montalban, Rizal.

Batay sa ulat, dakong alas-7:20 ng  umaga ay sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima na minamaneho ni Ungca at binabaybay ang kahabaan ng Litex Road, Group 13, Brgy. Payatas nang masalpok sila ng UV Express (UVK-759) na minamaneho ni Albert Morines, 25.

Sa lakas nang pagkasalpok ay tumilapon ang dalawang biktima sa kanilang motorsiklo at una ang ulo na bumagsak sa kalye na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Ang driver ng van ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide with physical injury and damage to property.

Show comments