MANILA, Philippines - Minartilyo ng isang mister na umano ay sinaniban ng masamang espiritu ang kanyang misis at pagkatapos ay pinagtataga pa ang 6-anyos nitong anak naganap kamakalawa sa Brgy. San Lorenzo, Bangui, Ilocos Norte.
Hindi na umabot ng buhay sa Bangui District Hospital matapos na mamuo ang dugo sa ulo ng biktimang si Jimuel Pacheco, 6 na nagtamo rin ng ilang taga sa katawan. Habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang ina nito na si Mary Jane Pacheco, 26, dahil sa mga sugat sa ulo sa pananaga at pangma-martilyo.
Ang suspek ay mister nitong si Jolie Pacheco, 35, na nilalapatan din ng lunas sa nasabing ospital matapos magtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pagsugat sa kaniyang leeg at pagmartilyo rin sa kaniyang ulo.
Sa ulat, bandang alas-6:35 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng pamilya Pacheco sa Brgy. San Lorenzo, Bangui ng lalawigan.
Sa inisyal na imbestigasyon, mistulang pinasukan ng masamang espiritu ang suspek nang pagmamartilÂyuhin at tagain ang kaniyang mag-ina na noon ay nagpapahinga.
Agad na isinugod sa pagamutan ng kanilang mga kapitbahay, subalit nabigo ng maisalba ang bata na napuruhan sa ulo sa malakas na hataw ng martilyo at pananaga ng ama nito.