Motor salpok sa bus: 1 dedo, 2 sugatan

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lalaki habang dalawang iba ang nasugatan matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa national highway, Olongapo City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital si Chairmaine Gelido, 19, ng Yakal Lane St., Brgy. Old Cabalan ng lungsod.

Patuloy na inoob­serbahan ang mga nasu­gatang sina John Michael Libaran, 24, ng Little Baguio, East Bajac-Bajac at John Ray Gabertan, 30, ng Roosevelt, Dinalupihan, Bataan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga, na minamaneho ni Libaran ang kanyang motorsiklo angkas si Gelido nang mag-overtake sa isang sasakyan.

Nagulat na lamang sila na kasalubong nila ang Manila-bound Victory Liner Bus (AYP-169)  na minamaneho Jimmy Lopez, ng Macabebe, Pampanga kaya’t sumalpok sila sa bus.

 Tumilapon sa ilalim ng bus si Gelido, habang nabangga ni Libaran ang isa pang motor na minamaneho ni Gabertan.

Isinugod ang tatlo sa ospital, subalit namatay si Gelido pagkalipas ng isang oras na gamutan.

Show comments