MANILA, Philippines - Agad na nagÂpaÂÂabot ng pagbati ang PanguÂlong BeÂnigno Aquino III kay SarangÂgani Rep. Manny Pacquiao sa pagkapanalo nito laban kay Timothy Bradley Jr.
Nabawi ni Pacman ang kanyang WBO welterweight chamÂpÂionÂÂship belt makaraang talunin si Bradley ng unanimous decision.
“Muling nagdiriwang ang sambaÂyanang Pilipino sa pagkapanalo ni Congressman Manny Pacquiao sa pakikipagtuos niya kay Timothy Bradley, Jr. matapos ang 12 rounds, nanaÂig ang lakas at gilas ng ating pambansang kamao upang mabawi ang World Boxing OrgaÂnization Welterweight title,†ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
Sinabi pa ni Usec. Valte, patunay lamang ang tagumpay na ito ni Manny na kung ibubuhos ng isang Pilipino ang kanyang buong puso sa anumang larangan, lahat ng pagkakadapa ay pansamantala, at lahat ng pagkakalugmok ay muling maibabangon.
“Tunay ngang nagsisilbing inspirasyon si Manny para sa napakarami nating kababayan. Kinakatawan niya ang nangÂyayaring pagbangÂon ng Pilipinas, matapoÂs ang patung-patong na sakuna ng nagdaang taonâ€, pahayag pa ni Valte.
“Malinaw ang pahayag natin sa mundo: Minsan man tayong pabagsakin ng matitinding unos, buong-loob pa rin tayong titindig; laging mangingibabaw ang lalim ng pananampalataya, tibay ng pagkakaisa, at tatag ng puso ng lahing Pilipino,†sabi pa Valte.
Malaking Âtagumpay ang panalo ni ÂPacquiao
Malaking Âtagumpay sa sambayanang Pilipino ang panalo ng PambansaÂng Kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa kalaban nitong si Timothy Bradley.
Ayon kay House SpeaÂkÂÂÂer Feliciano ‘SonÂny’ Belmonte Jr., lubos ang kaÂsiÂyaÂhan ng Kongreso dahil muli na namang pinaÂtunayan ni Pacquaio ang pagiging hari ng ring.
Sa pagbabalik ng seÂsÂyon ay plano ng KamaÂra na kilalanin ang tagumpay na binigay ni Pacman hindi lamang sa sarili kundi sa buong bansa.
Nagpaabot din ng kanilang pagbati sa kasamahang mambabatas na sina CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, Quezon City Rep. Bolet Banal, Cebu Rep. Gwendolyn Garcia, Manila Rep. Amado BagatÂsing, Navotas Rep. Toby Tiangco, Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian at LPGMA Rep. Arnel Ty.
Naniniwala si GatÂchalian na pinatunayan ni Pacquaio sa kanyang laban na kaya nitong sumabay sa mga batang boksingero.
Dagdag naman dito ni Garcia na ang tagumpay ni Pacquiao ay nagpakita ng pagiÂging tunay na kampion at ang hindi matatawarang galing at fighting spirit ng mga Pilipino.
Sinabi naman ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na ibinalik ni Pacquiao ang pride ng mga Pinoy “internationalÂly†at buong Kamara ay nagdiriwang at masayang masaya sa panalo ng Pambansang Kamao.