MANILA, Philippines - Pinagtulungang patayin ang isang 79-anÂyos na lola ng kaniyang manugang na babae at dalawang apong lalaki kamakalawa sa bayan ng Josefina, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang biktima na si Heleria Montepon Gumilid. Habang naaresto agad ang mga suspek na sina Myrna Gumilid, 49, at dalawa nitong anak na lalaki na sina Rene Boy, 28, may-asawa at Joseph, 23; pawang residente ng Brgy. Moraji, Josefina ng lalawigang ito.
Sa ulat ni Sr. InsÂpector Joseph Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang malagim na krimen sa loob ng bahay ng mga suspek nasabing lugar matapos na magtungo ang nasabing matanda upang bisitahin ang kaniyang apong lalaki na umano’y may diperensya sa pag-iisip.
Gayunman habang nasa loob ng bahay ng mag-iina ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng magbiÂyenan.
Ilang saglit pa ay bigÂla na lamang kumuha ng itak ang ginang at pinagtataga ang biyenan kung saan tumulong pa sa pagpatay rito ang dalawang anak.
Nasawi noon din ang matanda sa dami ng taga na tinamo sa katawan nito.