MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaking masahista matapos na halaÂyin nito ang kustomer niyang turista na Haponesa sa loob ng isang spa kamakalawa sa Quezon City.
Ang suspek ay kinilaÂlang si Bonifacio Pata, 26, massage attendant ng spa na matatagpuan sa Maginhawa St., at residente ng Veterans Village, Barangay Pasong Tamo.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi ay nagtungo ang biktima sa nasabing spa para magpamasahe ng kanyang katawan.
Nagkataon na walang babaeng masahista na maaÂring humawak sa dayuhan, kung kaya ang suspek ang siyang natokang magsagawa ng dry massage sa biktima.
Una ay binigyan ni Pata nang maayos na masahe ang biktima, subalit kalaunan ay hinipo na umano nito ang suso ng huli at hinalikan pa.
Bukod dito,ipinasok pa umano ng suspek ang kanyang daliri sa kaselanan ng biktima, subalit nanlaban na ang huli.
Agad na nagsampa ng reklamo ang biktima nang pang-aabuso sa otoridad at inaresto ito ng mga otoridad na nakatakdang sampahan ng kasong rape.