MANILA, Philippines - Iniulat ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) ang tagumpay ng programa ng kompanya laban sa pagnanakaw ng kuryente na inilunsad mula nang pamahalaan nito ang suplay ng kuryente sa lungsod noong nakaraang taon.
Ang programa ay nagÂlalayong “linisin†mga iligal na koneksyon ng kuryente sa lungsod upang mabigyan ang mga konsumer ng mas mahusay na serbisyo ng kuryente at mabawasan ang system loss charge.
Sa tulong ng Olongapo City Police Office, natukoy ng OEDC at naaresto ang mahigit sa 640 katao na sangkot sa wire tapping (jumpers) at meter tampeÂring at nakatakdang sampahan ng kasong kriminal sa korte.
Ayon sa kumpanya, dahil sa mga iligal na koneksyon ng kuryente ay umaabot sa 206,644 kilowatt-hours nang nakonsumong kuryente ang hindi nasisingil buwan-buwan.
Isinasaayos na rin ang mga depektibong transformer connection at maÂling multiplier na dahilan ng mga maling meter reÂgistrations sa mahigit 50 commercial establishment sa lungsod.
Gumagamit na rin ang kompanya ng mga tinatawag na meter clusters upang mapigil ang mga iligal na koneksyon sa mga secondary lines na kinakitaan ng positibong resulta nang mabawi ang 175,935 kWh na nawawala bawat buwan.
Binigyang pansin din na hanggang Mayo 2013, ang system loss ng lungsod ay umaabot sa 37.2% dulot ng iligal na koneksyon ng kuryente. Ngunit noong Pebrero 2014 o makalipas ang siyam na buwan mula nang magsimula ang OEDC ng operasyon, ang System Loss ay bumagsak sa 18.2%.
Ipinapaalala ng OEDC sa publiko na ang energy pilferage o pagnanakaw ng kuryente ay mabigat na krimen sa ilalim ng Republic Act 7832, na mas kilala bilang Anti-Pilferage Law, kung saan ang mga parusa ay anim hanggang 12 taong pagkabilanggo o multa o pareho.