Warrant of arrest vs nameke ng pirma ni ex-Sen. Coseteng

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 139 laban sa da­ting business partner ni dating Senadora Nikki Coseteng na umano ay nameke ng kanyang pirma upang makapag-withdraw ng pera mula sa kanilang business account.

Ang warrant of arrest ay nilagdaan ni Makati RTC Branch 139 Presiding Judge Benjamin Pozon laban sa suspek na si Armand Raquel-Santos na nahaharap sa kasong qualified theft through falsification of commercial documents.

Ang pagpapaaresto ay bunsod ng reklamong isinampa ni Coseteng sa umano’y pagpeke ni Raquel-Santos sa kanyang pirma sa mga bank withdrawal slips sa kanyang business account kung saan ay joint signatories sila nito sa lahat ng bank withdrawals.

Nabatid na aabot sa  kabuuang halaga ng milyong piso ang na-withdraw ni Raquel-Santos.

Umaapela si Coseteng sa publiko na kaagad na ipagbigay-alam sa kanila at sa mga otoridad ang anumang impormasyong makapagtuturo sa kinaroroonan ni Raquel-Santos para ito ay agad na madakip.

Show comments