1,000 bahay sa Davao nasunog

MANILA, Philippines - Nasa 1,000 bahay sa tatlong barangay ang nasunog kamakalawa ng gabi sa Davao City.

Tinatayang aabot sa 2,000 pamilya ang naapektuhan ng sunog na  aabot sa P15-M ang pinsala.

Sa ulat ni Office of Civil Defense (OCD) Region 11 Director Loreto Rirao, dakong alas-8:12 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang alyas Tisay Mohammad sa  Isla Verde Boulevard  ng lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang napaba­yaang kandila ang pinagmulan ng apoy mula sa bahay ni Mohammad na mabilis na kumalat sa tabi nitong mga kabahayan.

Ang sunog ay tumagal ng may limang oras na tumupok sa may 1,000 kabahayan matapos na u­mabot ang sunog sa katabi nitong dalawa pang lugar na kinabibilangan ng Brgy. 22-C at  Brgy. 23 - C ng lungsod.

Show comments