MANILA, Philippines - Dahil umano na may mataas na level ng aflatoxins kung kaya’t iniutos ng Department of Health (DOH) ang pagpapabawi sa merkado ng ilang produkto ng Newborn Food Products Inc., partikular na ang Lily’s Peanut Butter.
Nabatid na ang Lily’s Peanut Butter na 170 grams at nasa ilalim ng Lot No. A1-1026 at may expiration date na May 23, 2014 ay may mataas na level ng aflatoxins kaya dapat itong bawiin.
Ang aflatoxins ay maaaring makapagdulot ng sakit sa atay na itinuturing na carcinogenic lalo kapag mataas ang lebel nito.
Bunga rin ito ng amag na tumutubo sa mani kaya’t hindi umano ligtas na kainin ang mga palaman sa tinapay.
Nilinaw naman ng kagawaran na ang naturang produkto lang ang ipinare-recall at hindi ang ibang produktong peanut butter.