MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila na kung saan ang isa ay isinilid sa balikbayan box kahapon ng madaling-araw.
Unang natagpuan ang bangkay ng lalaki na nakasilid sa balikbayan box dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa Bambang St., Sta.Cruz, Maynila.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, may taas na 5’8â€, nakasuot ng kulay puting t-shirt na may tatak “Texasâ€, itim na brief, may tattoo na rosaryo sa leeg na pangalang John Rey at sa likod at John Denver, Noneng sa itaas na kanang bahagi at latigo sa itaas na kaliwang bahagi ng dibdib, spider sa likurang kaliwang bahagi at Jesus Christ sa kanang likurang bahagi at miyembro ng Commando gang.
Sa salaysay nina Roel Paolar, 16 at Justine Bato, 13 na nakita nila na may ibinababa na balikbayan box ang isang puting van sa nasabing lugar.
Dahil sa kuryusidad ay binuksan nila ang kahon at tumambad sa kanila ang bangkay ng isang lalaki.
Ang ikalawang bangkay naman ay nakita sa Roxas Blvd., Service Road kanto ng Quirino Avenue, Malate, Manila tapat ng Ospital ng Maynila pasado alas-4:00 ng madaling araw.
Inilarawan na nasa pagitan ng 25-30 anyos, may taas na 5’5â€, payat ang pangangatawan, nakasuot ng kulay gray na polo, itim na brief at walang sapin sa katawan.
Ang dalawang bangkay ay kapwa tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.