MANILA, Philippines - Dala lamang ng pagkatakot sa “recall†ang nag-udyok sa mga taong nasa likod nang pagsasampa ng kaso kay dating Puerto Princese City Mayor Edward S. Hagedorn.
Ito ang paniniwala ng kampo ni Hagedorn sa kasong isinampa laban ng kanyang “political opponent at perennial loser†na si retired police general Eduardo Matillano at naniniwala sila na ibabasura lang ito ng Office of the Ombudsman.
Ayon kay Alroben Goh, dating PPC Public information Officer na ang mga complainants na sina Matillano, Marlene Jagmis at Lorna Cayanan ay pakaÂwala lamang ng bagong pamunuan ng siyudad na takot sa recall.
Base sa complaint, inakusahan ni Matillano si Hagedorn ng paglustay ng P13 milyon sa pagbili ng 33 electric-powered vehicles at isang SUV (Ford Expedition), na base umano sa 2011 report ng Commission on Audit (COA) ay kwestyonable at ilegal.
“Lumang tugtugin na yan, matagal ng ipinaliwanag ni Mayor Hagedorn ang isyung yan,†wika ni Goh.
Dapat anya, ay tinanong muna ni Matillano si Mayor Bayron tungkol sa Ford Expedition pagka’t ito mismo ang sasakyan gamit ng mayor.
Sinabi naman ni Hagedorn na ang napipintong recall election para sa city mayor ang dahilan ng kasong isinampa ni Matillano sa Ombudsman laban sa kanya.
“Hindi lang kaba kundi sindak ang namumuo sa dibdib ng aking mga katunggali sa pulitika ang nag-udyok sa mga ito upang magkapit-bisig at maglubid ng buhangin upang sirain ang aking pangalan sa aking mga mahal na kababayan,†pahayag ni Hagedorn.
Pinapasadahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang merito ng recall petition, sakaling matuloy, ito’y pangalawa na sa kasaysayan ng Puerto Princesa mula pa noong 2002.