Tserman, nanay utas, 2 sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang barangay chairman at nanay nito habang malubhang nasugatan ang kanyang mag-ina matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek ang kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Igang, Masbate City.

Ang mga nasawi ay kinilalang si Allan Marcos, 36, may-asawa, barangay chairman at ina nitong si Purita Marcos, 64.

Malubhang nasugatan naman ang misis nitong si Analyn, 41 at anak na si Alily.

Sa ulat, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang tatlong kalalakihan at bigla na lamang pinaulanan ng bala ang bahay ng pamilya Marcos.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen at matukoy ang mga suspek.

 

Show comments