Pag-apruba sa Bangsamoro Basic Law... Gamitin ang limitasyon sa Konstitusyon

MANILA, Philippines - Gamitin ang limitasyon sa Konstitusyon para sa pag-apruba sa Bangsamoro Basic Law. Ito ang payo ni Deputy Majority Leader at CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna sa kanyang mga kapwa mambabatas.

Ayon kay Tugna, hindi dapat mawawala ang national sovereignity at territorial integrity sa pagkakaroon ng otonomiya ng Bangsamoro.

Tinitiyak lamang na ang Bangsamoro Basic Law ay sumusunod sa balangkas ng konstitusyon na nanga­ngahulugang ito ay pro-peace, development at stability.

Paliwanag ni Tugna, kung tutulugan lamang ng mga mambabatas at hindi matitiyak na alisunod sa Saligang Batas ang ipapasang Bangsamoro, para na  rin umanong  sinayang at ibinasura ang negotiation efforts ng gobyerno at MILF.

Hinikayat din ni Tugna ang mga senador na magsilbing guardian o tagapagbantay ng Konstitusyon kung saan dapat ang mga probisyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ay naaayon sa bubuuhing Bangsa­moro Basic Law.

Show comments