Lolo at lola patay sa kuryente

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang mag-asawang lolo at lola matapos na makuryente na naganap sa Brgy. Cangyawan, Madridejos, Cebu kamakalawa umaga.

Kapwa dead-on-arrival sa Madridejos Hospital  ang mga biktimang sina Bonifacio Santillan, 64 at Primitiva, 60 matapos na dumaloy sa katawan ng mga ito ang malakas na boltahe ng kuryente.

Sa ulat ng Cebu Police, naganap ang insidente dakong alas -5:00 ng umaga sa bakuran ng tahanan ng mag-asawa  sa lugar habang naghahanda ang mga ito para dumalo sa kasal ng kanilang pamangking lalaki.

Katatapos lamang umanong maligo ng matandang babae at kasalukuyan na nitong isinasampay ang nilabhang damit ng aksidente nitong mahawakan ang nakalaylay na live wire sa tabi ng kanilang tahanan.

Agad na nagkikisay ang matandang babae at ng makita ito ng kaniyang asawa ay agad na hinawakan para tulungan pero siya man ay nangisay at masawi rin.

Show comments