Gobyerno at Moro rebels lumagda sa peace deal

MANILA, Philippines - Nilagdaan kahapon ng gobyerno at Moro Isla­mic Liberation Front ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa Palasyo  upang tuluyan nang makamit ang kapa­yapaan sa Mindanao.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., kahit ang National Democratic Front (NDF) o Bangsamoro Isla­mic Freedom Fighters (BIFF) ay hindi kayang hadlangan at wasakin ang nabuong kasunduan sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Umaasa rin ang opis­yal na ang iba pang grupo sa Mindanao ay makikiisa na lamang sa CAB upang maisulong na ang kapayapaan sa buong rehiyon at iwasan na ang anumang kaguluhan.

 

Show comments