Obrero pisak sa elevator

MANILA, Philippines - Pisak ang isang obrero matapos na mabagsakan ng isang temporary elevator na ginagamit na pang­hakot ng gamit habang naglilinis ng dingding sa gusaling pinagta-trabahuhan kahapon sa Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Ameronding Macarampit, 22, ng Caloocan City.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga sa cons­truction site sa Armsterdam St., Brgy. Batasan Hills ay naatasan ang biktima ng kanyang pro­ject manager na linisin ang dingding ng gusali sa ibaba.

Habang naglilinis ay hindi nito nabatid mula sa kanyang itaas na buma­baba na ang elevator at sa kabila umano ng  sigaw ng mga kasamahan na  umalis ito ay hindi sila narinig hanggang sa tuluyan na itong mabagsakan.

Show comments