Sunog sa Mt. Banahaw tapos na

MANILA, Philippines - Naapula na rin matapos ang mahigit 24 oras na sunog sa  Mt. Banahaw na puminsala sa 50 hektaryang bahagi ng bundok habang patuloy pa ring pinagha­hanap ang 6 na nawawalang namamanata na miyembro ng isang religious group.

Sinabi ni Dr. Henry Buzar ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nakatulong ng malaki sa pag-apula sa  forest fire ang pagbuhos ng ulan nitong Huwebes ng gabi.

Magugunita na nag-umpisang sumiklab ang sunog dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkules  sa bayan ng Sariaya na hinihinalang mula sa naiwang nakasinding kandila ng ilang mamamanata na illegal na umakyat sa bundok.

Show comments