MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na dalagita na kasambahay ang nasawi matapos na pagtulungang gulpihin ng mag-asawang amo kamakailan sa Caloocan City.
Sa isang follow-up opeÂration ay inaresto ang mag-asawang Edwin Alcala at Jefrel Tublano, kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa Unit 502 Building 18 MRH Site, Malaria, ng naturang lungsod.
Batay sa reklamo ng ina ng biktima na si Leah Gonzales na nakipanuluÂyan siya sa bahay ng mag-asawa na mga personal niyang kaibigan noong Marso 14.
Paalis na siya dakong alas-6:30 ng gabi nang makita na sinampal umano ni Tublano ang kanyang anak na sinundan ng panuÂnuntok ni Alcala.
Sumaklolo ang ina sa anak at naayos naman ang gusot dahil sa hindi lamang umano pagkakaunawaan kaya’t umalis ang ina para magtrabaho.
Subalit, dakong alas-12:00 ng tanghali nitong Marso 15, ay nakatanggap ng tawag sa cellphone si Gonzales buhat kay Alcala na nagsabing isinugod ang anak niya sa Bermudez Hospital.
Inilipat naman ito ni Gonzales sa East Avenue Medical Center ngunit nalagutan ito ng hininga dahil sa matinding pinsala sa ulo.
Nang maaresto ang mag-asawa ay kapwa nila itinanggi na may kinalaman sila sa pagkasawi ng dalagita.
Ang mag-asawa ay kinasuhan ng murder in relation to child abuse.