Mega road re-blocking sa EDSA gagawin sa Holy Week

MANILA, Philippines - Napagkasunduan kahapon sa pulong  ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  at Department of Public Works and Highways (DPWH)   na sa halip na tuwing weekends  magsasagawa ng re-blocking  ay sa buong linggo na lamang ito ng Mahal na Araw upang hindi nakakaabala  sa daloy ng  trapiko.

Sinabi ni DPWH-NCR Director Reynaldo Tagudando, 24/7 gagawin ang mega road reblocking sa EDSA mula Roxas Boulevard hanggang Monumento.

Mula Martes Santo hanggang Biyernes Santo kukumpunihin ang Northbound lane  at mula Biyernes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay naman kukumpunihin ang Southbound lane.

Nasa 39 percent na lamang ng mahigit 80k square meter ng sirang bahagi ng EDSA  A­venue ang kailangang kumpunihin.

Show comments