MASINLOC, ZAMBALES, Philippines --Nilinaw ng Fahrenheit, isang kompanya na nangongolekta ng coal ash na sangkap sa paggawa ng semento mula sa Masinloc Coal-Fired Thermal Power Plant na lehitimo ang kanilang operasyon.
Ginawa ng Fahrenheit ang paglilinaw bilang tugon sa nalathalang kolum sa dyaryo noong Marso 13 at iginiit na ang kompanya ay nagmimina umano ng coal ash at walang kaukulang permiso mula sa pamahalaan.
Ayon kay Engr. Eva Villanueva, general manager ng Fahrenheit Company Limited, wala silang miÂning operation sa Zambales, partikular sa bayan ng Masinloc kung saan matatagpuan ang power plant dahil ang coal ash ay hindi minimina, sa halip ay kinokolekta lamang mula sa power plant bilang basura (waste by-product).
Ang nakokolektang abo ay iniipon sa malalaÂking silo at hinahakot gamit ang mga moderno at selyadong dolly at bulk truck upang matiyak na walang nakakasingaw na abo sa hangin habang ito ay iniluluwas patungo sa Metro Manila at Bulacan.
Ang operasyon ng Fahrenheit ay nagpapasok ng humigit-kumulang sa P2.5 milyon kada-tatlong buwan sa pondo ng lalawigan.
Pinopondohan din ng kompanya ang pagmantine at pagsasaayos ng kalsada patungo sa power plant mula sa national highway katuwang ang mga lokal na residente na kinalap bilang sweldohang manggagawa.
Naniniwala umano ang kompanya na ang mali at mapanirang impormasyon ay ipinakakalat ng mga taong konektado sa mga dating operator na nangongolekta ng coal ash sa planta na nagpasasa sa mahabang panahon ngunit kahit isang sentimo ay wala umanong naibayad na buwis sa kaban ng lalawigan.