Driver inutas sa pinapasadang tricycle

MANILA, Philippines - Inutas ang isang driver sa loob ng kanyang pinapasadang tricycle sa San Miguel, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Danilo Catampungan, 30,  nakatira sa #8758 Norte St. Sta.Cruz, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi nang makitang duguan ang biktima si Barangay Ex-O Samad Tara, ng Brgy. 647,  Zone 67.

Nadatnan  ni Escarlan sa loob ng tricycle ang biktima na naliligo sa sariling dugo habang nakaupo, na may tatlong tama ng bala sa ulo, kamay at dibdib.

Marami umanong nakakakilala sa biktima na tricycle driver at pumapasada sa lugar subalit walang makapagbigay ng impormasyon hinggil sa kung sino ang responsable sa pamamaril, at tanging ang 2 basyo ng bala mula sa .45 kalibreng pistola ang hawak ng pulisya, na nakuha sa crime scene.

Dinala ang bangkay sa Nathan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments