Landmine sumabog: 2 sundalo todas, 3 sugatan

MANILA, Philippines - Sumabog ang landmine ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasawi ng dalawang sundalo at nasugatan ang tatlong iba pa sa isang engkuwentro kahapon ng umaga sa Magpet, North Cotabato.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagsabog ng landmine ay naganap ang engkuwentro ng mga sundalo at NPA rebels sa Sitio Timodos, Brgy. Mabisa, Magpet ng nasabing lalawigan matapos matunton ng tropa ng 12th Special Ranger Regiment ang mga rebelde na sangkot sa landmine attack sa Matanao, Davao del Sur na ikinasawi ng 12 katao kabilang ang pitong sundalo at tatlong pulis noong Marso 10 sa hot pursuit operations sa lugar.

Nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na umabot ng mahigit isang oras at habang nagmamaniobra ang mga sundalo ay biglang sumabog ang landmine ng mga rebelde na ikinasawi ng dalawang sundalo.

Show comments