MANILA, Philippines - Natuklasan ng toxics watchdog group na may taglay na lason ang ilang medalya at tropeo para sa graduation ang nasuri ng grupo.
Ito ang inihayag ng EcoWaste Coalition kaya’t umapela sila sa Department of Education (DepEd) sa ‘no leaded graduation meÂdals and trophies.’
Natuklasan ng EcoÂWaste Coalition na ginagamitan ng mga nakalalasong lead paint ang mga naturang medalya at tropeo na binili nila sa wholesale at retail stores sa Juan Luna Street sa
Divisoria at Evangelista at Ronquillo Streets sa Quiapo, Manila noong Marso 8-9.
Kabilang sa mga nasuri ay 10 generic meÂdals na nagkakahalaga ng P13.50 hanggang P55 bawat isa, at tatlong basketball at volleyball trophies
na nagkakahalaga ng P300 hanggang P400, na pawang may painted designs.
Nang suriin gamit ang isang portable X-Ray Fluorescence device ay natuklasang nagtataglay ang 10 generic medals ng mula 5,965 parts per
million (ppm) hanggang 39,500 ppm na lead na lampas sa 90 ppm threshold limit para sa lead sa pintura habang ang tatlong tropeo
naman ay nagtataglay ng 5,458 ppm hanggang 11,500 ppm na lead.
Dapat anya na tiyakin ng mga school administrator at mga guro na ligtas ang kanilang mga ipinagkakaloob na reward sa
kanilang mga pinakamahuhusay na estudyante.
Ang lead ay isang toÂxic chemical na kilaÂlang nakakapinsala ng utak, nakapagpapabawas ng katalinuhan, nakakapigil ng development at growth ng isang bata at nagiging sanhi ng problema sa pag-uugali.