MANILA, Philippines - Isang lady customs examiner ang hinatulang makulong ng Manila Metropolitan Trial Court matapos na mapatunayang nagkasala ng 5 counts ng pagsisinungaling o perjury at paglabag sa anti graft and corrupt practices act o RA 3019.
Sa desisyon ni Judge Amalia S. tumapos-RiÂcaÂÂblanca ng MMTC Branch 15 ay pinatawan ng pagkakulong mula apat na buwan at isang araw hanggang isang taon at isang araw sa bawat bilang ng kasong perjury at P25,000 multa ang akusado na si Ana Marie Concepcion Maglasang ng Port of Manila.
Nag-ugat ang parusa kay Maglasang sa hindi nito pagdedeklara ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth o SALN ng kanyang mga tunay na kayaman gaya ng mga sasakyan at mamahaÂling bahay sa mga exclusive subdivision para sa mga taong 1999 hanggang 2003.
Nagsagawa ng lifestyle check ang Department of Finance-Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS) at nabuko ang mamahaling SUVs na pag-aari ni Maglasang tulad ng Ford Expedition, Pajeros, mga bahay sa Valle Verde at Royale Tagaytay Estates na hindi dineklara sa kanyang SALNs.
Noong 2005, kinasuhan ng DOF-RIPS si MaglaÂlang at kanyang kapatid na si Matilda C. Millare, dating Chief Customs Operations Officer ng BOC at noong 2006 ay napatunayan ng Office of the Ombudsman na guilty ang magkapatid sa kasong dishonesty and grave misconduct at sila ay sinibak sa serbisyo.
Kahit na nagbitiw sa serbisyo si Maglasang ay sinabi sa desisyon na hindi pa rin siya makalulusot sa parusa ng husgado.
Kanselado rin ang kanyang retirement benefits at pinagbawalan na makapagtrabaho sa pamahalaan.