VM Joy B pinangunahan ang Women’s Fair

MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang sa buwan ng kababaihan sa ilalim ng Joy of Public Service program at Mommy Mundo sa QC hall.

Ang okasyon na pormal na binuksan kahapon ay pinamagatang QC Women’s Fair Bida ang mga Kababaihan.

Tampok sa okasyon ang pagbibigay ng iba’t ibang libreng serbisyo sa mga kababaihan.

Ayon kay Belmonte, layunin ng okasyon  na ma­bigyan ng kasiyahan at pagkilala ang mga kababaihan ng  lungsod bilang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng komunidad at pamayanan.

 

Show comments