Snatcher itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isa umanong snatcher habang ang kasama nitong menor-de-edad ay nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi  sa Taguig City.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Renato Nolasco, Jr., ng 177 Q 24th Avenue, Barangay East Rembo, Makati City.Habang ang kasama nito na si John Rodel Pintukan, 15, ng 19th  Avenue, Barangay East Rembo, Makati City ay nasugatan nang tamaan din ng bala.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi malapit sa Market Market, C-5 Road, Fort Bonifacio ay tumatakbo ang dalawang biktima patungo sa center island nang salubungin sila ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo at sa hindi batid na dahilan ay bigla na lamang silang pinagbabaril.

Ayon naman kay Ta­guig City  Police chief Senior Supt. Arthur Felix Asis na kilalang mga mi­yembro ng “Pitas Gang” o snatcher ang mga biktima batay na rin sa rekord ng pulisya na ang karaniwang biktima ay mga pasahero ng pampublikong sasak­yan na naipit sa trapiko.

 

Show comments