Ex-Vice Mayor tiklo sa 22 kasong rape

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang isang dating vice mayor  ng Nueva Ecija matapos itong maaresto kaugnay ng 22 counts of rape sa isinagawang operasyon sa Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na  si dating Pantabangan, Nueva Ecija Vice Mayor Romeo Borja Jr., ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Loreto Alog Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38 ng San Jose City, Nueva Ecija.

Batay sa ulat, bandang alas-9:45 ng gabi nang masakote si Borja sa bisinidad ng Manila Pavilion Hotel sa United Nations Avenue.

Sinabi ni PNP –IG Director P/Chief Supt. Abelardo Villacorta, ang dating bise alkalde ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong 22 counts ng rape na ang karamihan sa mga biktima ay mga menor-de-edad.

Wala inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nakakulong sa  custodial center ng Camp Crame.

Show comments