MANILA, Philippines - Kinasuhan ng It’s Showtime TV host at aktor na si Vhong Navarro ng perjury sina Cedric Lee, Deniece Millinette Cornejo at tatlong iba pa bunsod na rin ng pagsisinungaling sa insidente ng pambubugbog dito noong Enero 22 sa Taguig.
Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Alma Mallonga, manager na si Chito Roño at Tony Calvento sinabi ni Vhong na ang kanyang sinumpaan ay walang labis at walang kulang at nararapat lamang sa dalawang nabanggit na respondents kasama pa sina JP Calma, Simeon Raz at Berniece Lee.
Sinumpaan ni Vhong ang kanyang complaint affidavit sa ilalim ng Art. 183 sa tanggapan ni City Prosecutor Atty. Edward Togonon.
Nanindigan si Vhong na pawang mga kasinungaÂlingan ang mga ipinahahayag sa TV ng lima dahil ang kanyang pahayag ay kinumpirma naman ng CCTV na nakuha ng Forbeswoods Heights sa Taguig City noong Enero 22.
Sinabi ni Mallonga na unti-unti na ring lumilitaw ang katotohanan dahil mismong ang mga respondents ang siyang nagbubulgar ng katotohan.
Nabatid pa kay Mallonga na pinag-aaralan din nila ang pagsasampa ng kasong libelo laban sa anim dahil pawang mga paninira ang ibinunyag ng lima laban kay Vhong.