MANILA, Philippines - Isang agarang imbestigasyon sa naging conversion at kinalauna’y pagbebenta ng 50 ektaryang lupain ng National Government Center (NGC) o mas kilala bilang North Triangle na isang kilalang kumpanya.
Ito ang panawagan ni ABAKADA partyist Rep. Jonathan dela Cruz at anya ay dapat ipaliwanag ng National Housing Authority (NHA) na siyang administrador ng NGC ang naturang transaksyon.
Sa isang House resolution, sinabi ni Dela Cruz na ang NGC ay itinalaga ng pambansang pamahalaan bilang paglilipatan ng mga tanggapan ng gobyerno upang mapagbuti ng mga ito ang paglilingkod sa sambayanan.
Nasasakop ng NGC ang North Ave, Elliptical Road, Quezon Ave. at EDSA at kabilang sa mga tanggapang matatagpuan dito ay ang Occupational Health and Safety Administration (OHSA), Children’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institute.
Binigyang-diin ni Rep. Dela Cruz na dapat nasiyasat ang bentahan upang matiyak na wala itong nalabag na batas at hindi naagrabyado ang pamahalaan.