MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 40-anyos na seaman matapos na ito ay mabundol ng isang tourist bus habang tumatawid sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. San Miguel 2, Silang Cavite, kahapon ng madaling-araw.
Ang nasawi dahil sa tama sa ulo ay kinilalang si Roland Laureles, may asawa, seaman, residente ng Brgy. Litlit, Silang, Cavite.
Nakakulong na ang driver ng bus na si Esteban Bermas, 40, may-asawa, residente ng #4205 Claudio Baclaran, Parañaque City.
Sa ulat, alas-5:20 ng umaga ay patawid ang biktima sa nasabing lugar nang hindi nito mapansin ang mabilis na pagdaÂting ng Jersan Travel andTours Bus at nasalpok ang biktima.