MANILA, Philippines - Dinakip ng mga otoridad sa isang entrapment operation ang dalawang nagpakilalang miyembro ng Philippine Army kabilang ang isang tinyente kamakalawa sa MaharÂlika Highway, CabanaÂtuan City, Nueva Ecija.
Ang dalawang naaresÂtong suspek ay kinilalang sina 1st Lt. Darrel Silva Morales at enlisted personnel nitong kasamahan na si Jose Angeles Suva–Viola II; pawang residente ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang masakote ang dalawang suspek sa Rustica Restaurant sa entrapment operation at nasamsam mula sa mga ito ang bushmaster caliber 223-5.56 MM, isang shotgun armscor, 12 gauge, dalawang mobile phones, 4 wheel Kennedy type jeep, P1,480.00 cash, sari-saring ID kabilang ang dalawang AFP IDs na pag-aari ni Morales na may numerong A11-E-35431 at AFPSN 815663.
Isinagawa ang entrapment operation matapos na magreklamo ang biktimang call center owner na si Alicia Holgado ng Cabanatuan City laban sa mga suspek na nagpakilalang opisyal at tauhan ng Philippine Army na nagtungo umano sa kaniyang opisina nitong Enero at Pebrero at nanghihingi ng protection money.
Sinabi naman ni PA Deputy Spokesman Capt. Anthony Bacus na wala sa rooster ng kanilang hukbo ang dalawang naarestong suspek.
Kinasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa robbery/ extortion at comprehensive firearms and ammunitions regulation act.