MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang dalawa sa tatlong holdaper sa isang shootout matapos ang ginawang panghoholdap sa mga pasahero ng jeep kahapon ng madaling-araw sa Quezon Avenue, Quezon City.
Nakilala ang isa sa dalawang suspek na nasawi sa pamamagitan ng kanyang identification card na si Leonardo AlvaÂrez Jr., ng Santa Cruz, Maynila. Habang inalaam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang kasama.
Ang dalawang nasawing suspek ay positibong kinilala ng kanilang biniktima na sina Rose Anne Aclan, 21, estudÂyante ng MunÂding Avenue, Brgy. San Roque, Marikina City; at Lhaarni Villanueva, 20 ng Brgy. Vasra, Quezon City.
Nakuha sa mga suspek ang isang Alcatel mobile phone at cash money na P2,695 na pag-aari ni Villanueva at isa pang Nokia cellphone at cash na P1,600 ng biktimang si Aclan.
Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong ala-1:10 ng madaling-araw sa harap ng isang bahay sa no. 74 Quezon Avenue, Brgy.Tatalon ay sumakay ang mga biktima sa pampaÂsaherong jeepney (PXY-731) na minamaneho ni Francisco Jarliga.
Pagsapit sa Banawe Avenue, isa sa mga pasahero ang bumaba at dito ay sumakay ang tatlong suspek na nagkunwaring mga pasahero.
Hindi pa nag-iinit sa upuan ay biglang nagbunot ng baril ang dalawa sa mga suspek at nagdeklara ng holdap, sabay ng kuha sa mga gamit ng mga biktima.
Nagkataon na nagpapatrulya ang mga pulis at napuna ang komosyon sa loob ng jeepney kaya’t sinundan ito.
Nakahalata ang mga suspek kung kaya’t nagpulasan para tumakas ang mga suspek at pinaputukan ang mga otoridad na gumanti rin ng putok na ikinasawi ng dalawang suspek habang nakatakas ang isa.