MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na kasambahay ang nasawi matapos na hindi nakalabas sa nasusunog na tindahan ng amo at nadamay pa ang ilang kabahayan kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Ang biktima na halos hindi na makilala dahil sa pagkatusta ay kinilalang si Christine Zia, kasambahay sa naabong tindahan sa #2020 Agot Compound kanto ng Gen. Jacinto at Gen. Luna Sts., Barangay South Cembo.
Sa ulat, dakong alas-3:24 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa tindahan ng amo ng biktima na mabilis na kumalat sa mga katabing kabahayan.
Nabatid na nakalabas na ang biktima, subalit muli itong bumalik sa tindahan na pag-aari ng kanyang among si Joseph Pabula upang kunin ang iba pa niyang gamit hanggang sa hindi na ito nakalabas pa.
Lumalabas sa imbesÂtigasyon na ang nag-overheat na wall fan ang dahilan ng sunog na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay. Tinatayang aabot sa may P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog.