Lalaki nahati ang katawan sa tren

MANILA, Philippines - Mistulang tinadtad na karne ang katawan ng isang lalaki matapos na mahati nang masagasaan at makaladkad ng tren kamakalawa ng gabi sa Blumentritt Station, Sta Cruz, Maynila.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan ng otoridad na nasa 30-40 ang edad, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt, pantalon at itim ang sapatos.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang aksidente sa  riles ng Philippine National Railways (PNR) sa kanto ng Rizal Ave., at  Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa mga saksi na paparating ang tren na pa-southbound nang makita nila ang biktima na nakatayo nang ito ay biglang tumawid kung kaya’t nahigop ito ng tren at makaladkad pa ang katawan.

May dalang bagpack ang biktima na naglalaman ng kaniyang personal na gamit at gamot, subalit walang anumang IDs.

 

Show comments