Mag-utol, lovers timbog sa droga

MANILA, Philippines - Isang magkapatid at maglive-in-partner ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust operation ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Taguig City at Pandacan, Maynila.

Ang magkapatid na suspek ay kinilalang sina Amistico, 55 at Ronaldo Santos, 49, ng
#391E M. L. Quezon A­venue, Barangay   Bagumbayan, Taguig City.

Sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon nang madakip ng mga pulis ang magkapatid sa isinagawang buy bust operation nang nasa aktong iniaabot ni Amistico ang dalawang pakete may lamang shabu sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nagtangkang tumakas si Ronaldo, subalit
kaagad namang nasakote ng naturang mga operatiba.

Samantala, nadakip din ng mga otoridad ang mag-live-in partner na sina Fritz Puno, 24  at Grace Yabut alyas “Grasya”, 28, kapwa residente ng  no. 1752 Kahilum I, Pandacan, Maynila.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay nagpanggap na poseur buyer ang isang miyembro ng pulis sa mga suspek para bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Umabot sa limang plastic sachet ng shabu ang narekober sa maglive-in.

Show comments