MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima na isa nang ‘provisional state witness’ si dating Technology Resource Center (TRC) director general Dennis Cunanan matapos na magsumite ng kaniyang sinumÂpaang salaysay sa Office of the Ombudsman.
Maalala na sa testimonya ng mga whistleblowers, na ang ahensiya ni Cunanan sa ilalim ng Department of Science and Techonology (DoST) ay naging “conduit†umano ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.
Sa naging salaysay ni Cunanan, kinontra nito ang mga nakasaad sa counter affidavit ng mga senador na dawit sa kontrobersiyal na anomalya.
Si Cunanan ay pangaÂlawang respondent na una nang nakasuhan at ngayon ay naging state witness kasunod ni dating socialite secretary Ruby Tuason.
Una nang sinabi ni Atty. Levito Baligod, na si Cunanan ang nagkumpirma na nakausap nito Sen. Ramon “Bong†Revilla Jr. at iba pang mambabatas para iberipika ang pirma ng mga ito sa endorsement letters para sa mga organisasyon ni Napoles.
Si Revilla ay kabilang din sa 38 mga respondents na nahaharap sa kasong plunder, malversation, bribery at iba pang kaso sa Office of the Ombudsman.
Una na ring itinanggi ni Revilla na sa kaniya ang lagda na nakasaad sa endorsement letters na naglalaan ng P504 million ng kaniyang pork barrel sa mga NGOs ni Napoles.